Breaking News

BADACO: Tulay ng Teknolohiya, Agrikultura at Komersyo

Kilala ang Batangas Dairy Cooperative (BADACO) bilang isa sa mga pinakamalaki at nangungunang dairy cooperatives sa bansa. Isa rin ito sa mga pioneering dairy cooperatives sa Batangas na itinatag pa noong 1990s.

Kamakailan lang, naging recipient ang kooperatiba ng isang proyektong kaloob ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA) na naglalayong magtatag ng modernong lokal na industriya ng agrikultura at pangisdaan. 

Tinitiyak ng BADACO ang paglahok ng lokal na komunidad ng mga magsasaka at maghahayupan sa mga proyekto nito. Sa katunayan, kasalukuyan nitong itinatatag ang isang sustainable na milking process katulong ang mga tagapangalaga ng baka sa Rosario, Batangas.

Bukod sa pagbabahagi ng baka, nakatanggap din ang mga tapangalaga ng mga milking equipment, traktora at silo na pawang mahahalagang bahagi ng pag-gagatas ng baka. Upang makamit ang kanilang mga nilalayong ani, tinuruan din ang mga nasabing mangangalaga ng tamang proseso ng pangangalaga ng baka at sinanay din sa mga makabagong gamit na kanilang natanggap. 

Ang mga baka na natanggap ay may lahing buhat pa ng New Zealand at alaga sa mga natural at organikong nutrisyon; dahil dito, matatawag na kosher ang mga produktong ipinagbebenta ng BADACO.

Tunay nga, sa modernong pamamaraan at istriktong quality control ng BADACO, masasabing puro at hindi tinipid ang mga produkto nitong flavored na gatas at yoghurt; pinagtitibay din ang pagka-lehitimo ng kumpanya ng mga sertipikong natanggap nito mula  sa mga pampubliko at pribadong ahensya.

Upang mapalawig pa ang kooperatiba, at mas-mapalawak pa ang maabot ng kanilang merkado sa loob at labas ng probinsya, kasalukuyang naghahanap ang BADACO ng retailers at resellers ng kanilang mga produkto. 

📸 Hero Robles | Edz Manalo | WOWBatangas
📍 Lipa City, Batangas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.