Breaking News

Sablay : Cuenca Batangas’ Hidden Gem (Zablai Remo Farm)

Dahil sa sunod sunod na lockdowns at quarantine, aminado ang karamihan na nagsitaasan ang timbang. Kaya naman nitong bahagyang lumuwag na’t hinayaan na ang utay-utay na paglabas ay kanya-kanyang paraan ang ating mga kababayan sa pag e-ehersisyo at pagpapalakas ng kataw’an.

Ang ilan ay mas pinili ang mga outdoor non contact exercises tulad ng pagbibisikleta at pagtakbo. Paraan na rin para makalanghap ng sariwang hangin at kumonektang muli sa kalikasan.

Sa bayan ng Brgy Poblacion 7, Cuenca, Batangas, ang pag e-ehersisyo ng ilan ay naging daan para madiskubre ang isang bagong lokal na destinasyon na kung tawagin ay Sablay (Zablai Remo Farm).

Ayon sa pananaliksik nina Sir Roderico Cuevas, Engineering Assistant ng Pamahalaang Bayan ng Cuenca ay walang makapagsabi kung bakit “Sablay” ang itinawag sa lugar na ito. Ang sabi lamang ng mga lokal ay itong bahagi na ito ng Cuenca ay dating pinag iigiban ng mga mamamayang malapit dito. Bagaman pribadong pagmamay-ari ang lugar na ito, bukas naman sa publiko ang pagbisita dito. At nitong quarantine, dahil na din sa pansamantalang di pagpapahintulot sa pag akyat sa bundok Maculot ay dine nagpupuntahan ang mga nais mag ehersisyo at namimiss ang view sa itaas ng Mt Maculot.

Ayon naman kay Ms Jana Marasigan, Tourism Office ng Bayan ng Cuenca, ay malaki ang potensyal ng lugar na ito na maging bagong atraksyon dahil maikukumpara ang sa Tagaytay ang view dito. At sa kasalukuyan ay patuloy ang mga developments sa lugar na ito para mapanatiling ligtas sa mga turista. Gayon pa man, sa mga nais bumisita dito ngayong panahon ng pandemya ay pinapayuhang sumunod sa safety protocols at guidelines ng IATF at bigyang respeto ang mga natural attractions tulad nito sa pamamagitan ng pag papanatili ng kalinisan at pag iwas na makasira ng kalikasan.

Paano puntahan ang Zablai Remo Farm?

Para sa mayroong sariling sasakyan, tingnan lamang ang mapa:

Para naman sa commute, mula sa SM City Lipa Terminal ay maaring sumakay ng jeep na byaheng Cuenca, Batangas at magpababa sa pamilihang bayan.

Mula sa pamilihang bayan ay maaring sumita ng tricycle sa halagang 60 pesos at magpahatid sa lugar na ito.

Bukas sa publiko ang lugar na ito pamula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon (6am-6pm). Sa kasalukuyan ay wala ding entrance fee sa naturang lugar.

📸 Hero Robles | Sid Dasalla |Zablai Remo Farm
📍 Brgy Poblacion 7, Cuenca, Batangas

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

fpj statue unveiling san jose batangas

One Year After FPJ Arena: FPJ Statue Rises In San Jose, Batangas

Exactly a year after the inauguration of the first sports arena named after National Artist …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.