Breaking News

Paso ng San Juan, Batangas naging mabenta sa panahon ng Community Quarantine

Dahil sa Community Quarantine bunsod ng COVID19 dine sa atin sa Batangas ay maraming kababayan natin ang naghanap ng mga pagkakaabalahan sa kanilang sari-sariling bahay.

Ang iba’y sumubok sa mga Libreng Online Courses at nag apply ng Online Work, nag aral mag luto, mag bake, naghanap ng mga pwedeng i resell online atbp.

Isa din dito ang pagkahumaling ng mga kababayan natin pag aalaga ng mga outdoor at indoor plants. Dahil na din siguro sa isa ito sa mga pwedeng pagkaabalahan na nakakatanggal ng pagod at stress.

Kaya naman biglang ding nag usbungan ang mga tindahan ng mga halaman at loam soil dine sa atin at tumaas ang demand para sa mga paso.

Alam natin na isa ang bayan ng San Juan sa mga nagpoproduce ng paso dine sa atin sa Batangas partikular sa Barangay Palahanan. Sa kasalukuyan ay bahagyang tumaas ang presyo ng bawat piraso na nagsisimula sa 50 hanggang 200 piso per piraso depende sa size nito.

Ayon kay Laurence Anthony Reyes ng Brgy Palahanan 2nd, San Juan, Batangas. Malakas ang benta ng mga paso ngayon sa San Juan at sa katunayan ay marami na ang nakareserve hanggang sa buwan ng Nobyembre. Malaking bagay ito para sa mga manggagawa ng paso para makatulong sa kanila sa panahong ito ng pamdemya.

Paano nga ga gawin ang mga ito? Tunghayan sa video sa ibaba:

Larawan ni Joel Mataro

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.