Breaking News
https://www.youtube.com/watch?v=J3NDPdq4L-o&t=19s

Pagpapasinaya ng mga bagong imprastraktura sa San Jose, Batangas

Kahapon, ika-08 ng Marso, 2021 ay sinimulan sa isang misa ng pasasalamat sa Archdiocesan Shrine & Parish of St Joseph The Patriarch ang selebrasyon ng pagpapasinaya ng mga bagong imprastraktura sa Bayan ng San Jose, Batangas.

Ang mga ito ay proyektong sumasailalim sa imprastraktura ng adhikaing SERBISYO ng Kagalang-galang na Punong Bayan Valentino Patron, sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Jose.

Pagkatapos ng misa ay sinimulan na ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng mga sumusunod na imprastraktura :

Putol-Palanca Bridge

Isa sa mga adhikain ng proyektong ito ay mapaluwang ang tulay at daanan mula Brgy. Natunuan hanggang Brgy. Palanca. Sa ganitong paraan ay maari itong gawing secondary road ng mga kababayan nating mula sa Bayan ng Cuenca, Alitagtag, Taal, Lemery at iba pang karatig bayan. Sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ng transportasyon mga mga kalakal at maaring magdala pa ng mas maraming kita at trabaho para sa mga kababayan natin sa San Jose.

San Jose Public Market and Parking Building

Isa rin sa mga hinahangad ng mga mamamayan ng San Jose ang pagkakaroon ng bago at mas malaking palengke na mayroong parking para sa mga sasakyan ng mga mangangalakal at mamimili.

Ayon kay KGG Mayor Valentino Patron, naniniwala siya na ang palengke ay susi ng isang bayan para ikonsidera ng mamimili, manininda at mangangalakal mula sa ibang bayan.

Don Luis – Sto.Cristo Bridge

Isa sa mga adhikain ng proyektong ito ay mapadali ang transportasyon ng mga mamamayan at mga produkto mula sa mga Barangay na malapit sa tulay na ito.

Pinasalamatan din ang ilan sa mga nagbahagi ng kanilang mga lupa para maisakatuparan ng proyektong ito.

San Jose Legislative Building

San Jose Cultural and Sports Center

Isa din sa mga tampok ay ang groundbreaking ng San Jose Cultural and Sports Center na maaaring pagdausan ng mga future programs at events ng Bayan ng San Jose.

Hinahangad din na maging sentro din ng ito upang pagdausan ng mga malalaking kaganapan sa probinsya ng Batangas at makapagbigay ng mga karagdagang pagkakakitaan at trabaho para sa mga mamamayan ng San Jose.

Mahalaga para sa progreso ng isang bayan ang maayos na mga imprastrakturang daan sa pag unlad. Maaari itong magbukas ng maraming pinto ng posibilidad para sa mga negosyante, investor at higit sa lahat, sa mamamayan ng ng bayan San Jose.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.