Ang pamumukot ay isa sa mga paraan ng pangingisda kung saan gumagamit ng lambat sa panghuhuli ng isda. Kadalasan, matutunghayan mo ang eksenang ito sa mga bayang malapit sa Lawa ng Taal. Isa na dito ang Bayan ng Agoncillo, isa sa mga bayan kung saan ang kabuhayan ng tao ay umiikot sa lawa.
Madaling araw pa lamang ay pupunta na sa lawa ang mga grupo ng mamumukot dahil kailangang maagang maihagis ang lambat na ginagamit dito at matagal din ang guguguling oras sa paghihila nito.
Ayun sa mga mamumukot, para sa kanila mainam ang kabuhayang ito dahil sipag at tiyaga lamang ang iyong puhunan sa pamumukot. Kailangan mo lamang sumama at tumulong sa paghihila ng lambat at pagsasalok ng mga mahuhuling isda. Bukod sa may naitatabi nang pang-ulam sa kani-kaniyang bahay ay may matatanggap pa sila mula sa pinagbentahan nito.
Tulad ng bayanihan, utay utay at sabay sabay nilang hihilahin ang pukot hanggang sa makarating sa mababaw na bahagi ng lawa. Kadalasan ay dalawang malalaking bangka na may tig 10-15 kataong lulan. Kapag swerte at madaming nahuli ay pwedeng umabot sa kalhate hanggang isang tonelada ang mga isdang nahuhuli. Kapag napagtipon tipon na ang mga isda ay saka ito sasalukin sa bangka upang maipamahagi sa mga mamimili at madala ang mga matitira sa pamilihang bayan sa iba’t ibang bayan dine sa atin sa batangas.
Nagpapakita lamang kung gaano kasipag at paano dumiskarte sa buhay ang mga Batangueño higit lalo ngayong panahon ng pandemya at ang kapangyarihan ng bayanihan.
Nais mo bang mas makilala pa ang Bayan ng Agoncillo? Bisitahin ang kanilang official website http://agoncillo.gov.ph/
Sinulat at Sinaliksik ni: Edison Manalo at Sid Dasalla
Kuha at Litrato ni: Jeremy Mendoza at Eric Cabas
Daming huli kakatuwa naman;napaka laking blessings
pwede po bang magamit ang picture as reference para sa painting
Alin pong larawan dyan?