Breaking News

GIVEAWAY ALERT : GLOBE HOME PREPAID WIFI GIVEAWAY | LET’S TALK ABOUT NEW NORMAL ESSENTIALS

Hindi natin maikakailang malaking pagbabago ang naganap buhat nang magsimula ang pandemya. Halos lahat ng sektor ay naapektuhan at hanggang ngayon ay naapektuhan ang ating pang araw araw na buhay.

Isa na din dito ang sektor ng edukasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ding pinagtatalunan kung nararapat nga bang ituloy o magkaroon muna ng academic freeze. Matatandaang pansamantalang ipinagpaliban ito noong nakaraang ika-24 ng Agosto at inilipat noong ika-05 ng Oktubre, 2020 ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ayon sa kanila ay pansamantalang magkakaroon muna ng Online Blended Learning o Modular learning kung saan magpatuloy ang pag aaral ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga Modules, Online Media atbp. Dahil dito, maaring mangailangan ng gadget at internet ang mga magpapatuloy sa pag aaral ngayon taon.

Itinuturing na Opsyonal ang mga bagay na ito sa ngayon pero ika nga eh ito na ang NEW NORMAL. Ang mga dating opsyonal na bagay ay nagiging esensyal na sa panahon ngayon.

Bakit nga ga importante ang internet sa panahon ng NEW NORMAL?

Essentials
Dahil sa pagbabagong hatid ng COVID19, nalimitahan tayong lahat sa paglabas labas tulad ng ating mga nakagawian. Kaya naman halos lahat ng mga produkto at serbisyong ating pinaka kailangan ay naging Online na din. Tulad ng pagkain, damit, new normal essentials tulad ng alcohol, face shield at face masks at madami pang iba. Nagiging daan din ito upang makakuha tayo ng mga bagong balita sa mga kaganapan sa ating paligid at mga bagong anunsyong ukol sa mga regulasyon ngayong pandemya.

Business
Halos lahat ng mga negosyo ay kailangang matuto magbenta sa pamamagitan internet at social media. Nariyan ang mga food deliveries, home service, online selling atbp. Sa katunayan ang maraming kababayan natin ang naging sideline ito habang hindi pa makapasok sa kanilang full time na trabaho.

Online Learning
At dahil papalapit na nga ang pagsisimula ng Online Blended Learning. Bukod sa mga Gadget ay are ang magiging daan para matuto ang ating mga kabataan.

At dahil diyan, sa pakikipag tulungan ng Mobile Plus Inc, Globe at WOWBatangas ay mamimigay kami ng tatlong Globe Home Prepaid Wifi Kits tulad nare.

Paano? Sundan mo laang ang mga sumusunod!

  1. I-share ang Youtube Video ito ng WOWBatangas.
  2. Mag fill up ng google form at sabihin kung bakit nararapat kang magkaroon ng Prepaid Wifi na ito?
  3. I-like ang Facebook Pages ng Mobile Plus Inc at Quest Master 1 para sa anunsyo ng mga mananalo.
    New Normal Giveaway Link

Contest Mechanics :

  1. Bukas ito sa lahat ng Estudyanteng Batangueño sa kahit na ano mang antas.
  2. Maaring mag-nominate ang mga kahanggan, magulang at guro ng mga estudyanteng alam nilang higit na nangangailangan nito.
  3. Magsisimula ang pag entry ngayong ika-10 ng Oktubre, 2020 at magtatapos hanggang alas-12 ng gabi sa ika-16 ng Oktubre, 2020.
  4. Iaanunsyo ang mga nanalo sa Official Facebook Pages ng Mobile Plus Inc, Quest Master 1 at WOWBatangas.com sa ika-20 ng Oktubre, 2020.
  5. Makakareceive ng text o personal message sa facebook ang mga mananalo at bibigyan ng instruction kung paano makukuha ang mga premyo.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Laurel Batangas Aerial Bago Pumutok ang Taal | Himpapawid Ep 1

Mula sa napakagandang Taal Lake at Taal Volcano, mga bagong imprastraktura, natural na tourists destination …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.