Breaking News

Usapang Kakanin

Malamang tulad ko’y nalilito din kayo sa kung ano- ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga kakaning makikita sa artikulong ito.

Hindi ko mawari kung ano nga baga ang pinagkaiba ng biko sa sinukmani, ng kalamay sa malagkit, ng pichi pichi sa palitaw at sa anu ng ano.

Sa isang bagay lang ako sigurado, at sa tulong na din ni John Lloyd, lahat sila ay malinamnamnamnamnam.

Sa tulong na din ng napakahiwagang internet, napag-alaman ko kahit kaunti ang kanilang mga kakaibang lasa at hitsura.

1. Biko

Ang Biko ay yari sa malagkit na kanin, gata ng niyog, asukal na binubudburan naman ng latik.

Madalas dalhan ng lola ko ang aking lolo ng biko kahit pa ang lolo ko’y humimlay na ng katakot takot.
Bawat piyesta ng mga patay, hindi nawawala ang isang platitong biko sa ibabaw ng nitso ng aking lolo. Patunay lamang na ang sarap ng biko ay magpasawalang hanggan.

2. Cassava Cake

Ang cassava cake ay yari sa kinudkod na cassava. Mas masarap ito pag may keso sa ibabaw.

Joke ukol sa cassava:

San gawa ang cassava? Sa cassava
Saan nakukuha ang cassava? Sa cassava tree
Saan makakita ng puno ng cassava? sa cassava street

Okay, corny.

3.Puto

Ang puto ay madalas makita sa kaliwa ng dinuguan o di kaya’y sa kanan naman ng mainit na tsokolate.

4. Kutsinta

Ang kutsinta ay ang babaeng bersyon ng puto. Mas malasa ang kutsinta kapag may kinudkod na niyog na toppings.

5.Suman

Basta kakanin na nakabalot sa dahon, suman na ang tawag ko doon. Madaming bersyon ang suman, may suman na yari sa cassava, kaning malagkit at kung ano ano pa. Para sa akin, ang pinakamasarap na suman ay yaong kaning malagkit na may tamalis.

Anong sarap baga noon.

Mabibili ang suman nang patingi tingi o di kaya’y pang-family size. 🙂

6. Kalamay

Ang kalamay ay ang (kundi isa sa mga) pinakamalagkit na malagkit. Hindi man ito sing kulay ng mga naunang kakanin, hindi naman ito magpapatalo sa sarap ng lasa.

Ang nagpapasarap sa kakaning ito ay ang mga lahok na malagkit na kanin, kinudkod na niyog, asukal napula, margarina, peanut butter at vanilla.

7. Pichi Pichi

Ang pichi pichi ay yari sa niyog at kamoteng kahoy. Maari siyang maihalintulad sa puto dahil sila ay magka-size at magka-appeal.

8.Buchi

Hindi ko type ang sosyal na buchi– yung buchi na makikita sa Chowking. Mas tipo ko yung klase na nabibili sa palengke. Yung kulay orange na mabibili nang tigsasampo o bente pesos.

Samahan pa ng maduming kuko nga aleng maglalako. Mas punk rock. 😉

9. Sapin sapin

Madali lamang tandaan ang sapin sapin base na din lamang sa kulay nito. Karaniwang kulay ng sapin sapin ay puti, dilaw at lila.

Nakakatuwa itong kainin dahil para kang nangangain ng krayola.

Madalas kong unahin ang kulay violet kahit na alam kong magkakasing lasa lang sila.

Palitaw

Ang palitaw ay naging isa na din sa aking paborito.

Kaya tinawag na palitaw ang palitaw dahil siya ay lumlilitaw sa kumukulong tubig kapag luto na. Madalas ko ding maalala ang aking lolo, si Estanislao, kapag kumakain nito.

Estanislao… lulubog, lilitaw. 🙂

******
Yaan ang mga pagkaing talaga namang may tatak Pinoy.

Nakakalungkot lang din isipin na nakikita lamang ito ng kabataan sa tuwing ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.

Kaya sa tingin ko’y marapat lamang din na tigil-tigilan na muna natin ang mga burger meal, Hawaiian pizza at lauriat lauriat.

Ipakilala muli natin sa mga nakakabata ang pagkaing pinoy na tunay na malaking parte nang kulturang Pinoy! 🙂

images from:
filipinodesserts.net
.phamfatale.com
/forgetfulghee.blogspot.com
/panlasangpinoy.com
/alaehbatanguenaako.blogspot.com
/tapsilogatbp.tumblr.com
opensourcefood.com
project365.net
jpopasia.com
pinoyrecipe.net
shutteredmind.tumblr.com
.filipinofoodstore.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Spend Great Weekends with Family and Friends at Batangas Lakelands

Batangas Lakelands, an active lifestyle park in Balete, Batangas should be on top of your …

2 comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.