Paano kung ang iyong paaralan ay hindi lamang lugar para makinig sa leksiyon, kundi isang hakbang din tungo sa tunay na mundo ng industriya? Paano kung habang nag-aaral ka, nakikita mo na rin ang mga teknolohiyang maaari mong gamitin sa iyong magiging trabaho?
Ito ang pangarap na ginawang realidad ng Batangas State University (BatStateU)–LIMA Campus, sa pakikipagtulungan sa Aboitiz Economic Estates.
Matatagpuan ito sa LIMA Estate sa Lipa at Malvar, Batangas, napapalibutan ang campus ng local at internationational companies na bahagi ng lumalagong industriya. Dahil dito, nagkakaroon ng mas malaking pagkakataon na pag-ugnayin ang edukasyon at actual na pangangailangan ng mga kumpanya.
Dito hindi lang basta nag-aaral ang mga estudyante, unti-unti rin silang naihahanda para sa kanilang kinabukasan.

Sa pamamagitan ng industry-based learning, hindi lamang teorya at mga aralin sa classroom ang kanilang matututunan, kundi pati praktikal na kaalaman, paggamit ng makabagong teknolohiya, at mga kasanayang kakailanganin nila sa kanilang propesyon.
Noong Agosto 17, 2026, pormal na binuksan ng campus ang operasyon nito at tinanggap ang mahigit 800 pioneer students sa engineering at technology programs. Simula pa lamang ito ng mas malaking plano para sa 10-hectare campus na nakatuon sa paghubog ng mga susunod na engineers at experts sa emerging technologies.
Hindi rin ordinaryo ang mga facilities dito! May mga smart classroom, interactive viewboards, at specialized learning spaces na idinisenyo upang gawing mas makabago ang pag-aaral. Kabilang din sa mga tampok na facilities ang flight simulator na may turbulence effect, kung saan maaaring maranasan ng mga estudyante ang mas immersive na paraan ng pagkatuto.
Para sa mga nangangarap makapagtapos ng college nang hindi nabibigatan sa gastusin, good news! As a state university, free ang tuition ng BatStateU para sa mga eligible students under the Free Higher Education Program.
Interesado ka bang makapag aral sa BatStateU – LIMA Campus? I-click ang link para makita ang available na programs: https://batstateu.edu.ph/campuses/lima-campus/programs-lima-campus/
Host: Dominic Orido
Camera: James Matthew Dalmacio, Sean Patrick Napay
Edited By: Sean Patrick Napay
WOWBatangas.com Your Source of Great News and Stories from the Province of Batangas, Philippines