Dati Pangarap Lang, Ngayon Nandito Na: The Rise of New Careers in Batangas

“Paano kaya ako magkaka-trabaho dine sa Batangas, na para na ring nasa Maynila?”

Isang simpleng tanong, pero pamilyar sa maraming Batangueño na minsang nangarap ng mas magandang career habang iniisip kung kailangan ba talagang iwan ang probinsya. For years, parang natural na destinasyon ang Maynila kapag usapang trabaho at career growth. Pero habang nagbabago ang Batangas, unti-unti ring nagbabago ang sagot sa tanong na iyon. Sa pagitan ng Lipa at Malvar, may mga bagong lugar na hindi lang para sa negosyo at industriya, kundi para rin sa mga taong gustong mag-build ng career na malapit sa pamilya.

Isa sa mga lugar na sumasalamin sa pagbabagong ito ang LIMA Tower 1, na matatagpuan sa loob ng LIMA Estate. Operational na ang tower mula 2024, at dito makikita ang halo ng commercial at office spaces, kabilang ang Conduent na isa sa mga unang kumpanyang nag-operate sa building. With a target workforce of around 8,000 employees, malaking bahagi ng vision nito ay ang pagbibigay ng opportunities sa mga Batangueño at iba pang professionals na gustong magtrabaho sa probinsya. At hindi lang trabaho ang nabubuo sa paligid nito. With the industrial park already established and The Outlets at LIMA Estate offering restaurants, shops, and local and international brands, isang bagong ecosystem ng work, business, leisure, at everyday life ang unti-unting nabubuo.


Maybe that is what makes the growth happening here worth noticing. Hindi lang ito tungkol sa isang bagong building o isang bagong lugar na puntahan. It is about seeing possibilities become closer to home. Para sa Batangueño na dati ay kailangang bumiyahe nang malayo para habulin ang career na gusto niya, maaaring ibang kwento na ang naghihintay ngayon. Baka ang next opportunity mo ay hindi na kailangang hanapin sa Maynila. Baka nandito lang, sa Batangas. At habang patuloy na lumalaki ang mga bagong sentro ng trabaho, negosyo, at komersyo sa ating probinsya, one thing becomes clearer: Batangas is not just where we come from. For many, it is becoming a place where we can build what comes next.

Panoorin ang aming Reel Feature dine. I-click mo lang ang picture!

Interested ka ba sa mga job openings ng Conduent dito sa Batangas? I-click ang link para makita ang available positions: https://careers.conduent.com/us/en/search-results?keywords=batangas

Writer : Liandro Miguel

Hosts : Liandro Miguel, Alliah Fe Jumalon, Aliah Joy Masangcay
Camera by : James Matthew Dalmacio
Edited by : Sean Patrick Napay

About Team Manager

Check Also

Something New Is Coming to Padre Garcia

Something exciting is on the way! Discover what the upcoming Padre Garcia Town Center has …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.