Tunay na kay saya ng ginanap na Halloween Fun Run sa The Outlets at LIMA Estate noong November 1, mula sa mga naka-costume na bata hanggang sa mga pamilyang sabay-sabay tumawid sa finish line. Pero beyond the costumes and medals, may mas malaking kwento dito: unti-unting nagiging lifestyle ng maraming Batangueño ang pagtakbo. Dati, parang para lang sa mga athlete ang fun runs. Ngayon, makikita mo na ang mga magulang na tumatakbo kasama ang kanilang anak, magbabarkadang sabay nag-eensayo, at mga first-timer na gustong subukan kung gaano kalayo ang kaya nilang takbuhin. At kapag may lugar na safe, accessible, at welcoming para gawin ito, mas madali para sa lahat na magsimula.
Dito pumapasok ang The Outlets at LIMA Estate na naging paboritong venue ng iba’t ibang klase ng takbuhan, mula sa makukulay na color runs, holiday-themed runs, hanggang sa mga fun run for a cause. Tuwing Linggo pa, nagiging bukas ang mga kalsada para sa joggers, bikers, at Zumba groups. Presko ang hangin sa umaga at maayos ang route kaya panatag ang loob ng mga runner, lalo na ang may kasamang bata. At pagkatapos ng takbo, hindi pa tapos ang araw. May mga restaurant, coffee shop, at stores sa paligid para sa almusal at kwentuhan, at may sports facilities pa tulad ng football pitch, pickleball court, basketball court, at golf range para sa gustong sumubok ng ibang sports.

Kaya kung matagal mo nang sinasabing “next time na lang,” baka ito na ang sign mo. Hanapin ang iyong running shoes, yayain ang barkada o ang buong pamilya, at abangan ang susunod na fun run sa The Outlets. Hindi mo kailangang maging pinakamabilis o pinakasanay. Ang kailangan mo lang ay isang umaga at kaunting lakas ng loob. Dahil dito sa Fun Run Capital of Batangas, hindi mahalaga kung pang-ilan ka sa finish line. Ang mahalaga, kasama ka sa takbo.
Host: Dominic Orido
Camera: James Matthew Dalmacio
Edited By: Sean Patrick Napay
WOWBatangas.com Your Source of Great News and Stories from the Province of Batangas, Philippines