Mahigit 200 Trabaho at Isang Bagong Kabanata para sa Batangas

Tunay na lumalawak ang industriya ng manufacturing sa Batangas matapos na pormal na i-turn over ng Aboitiz Economic Estates ang isang 1.86-hectare industrial lot sa MDT Technologies Philippines Inc. sa LIMA Estate.

Matapos ang ceremonial groundbreaking noong Agosto 25, 2026. Isinagawa naman nitong Setyembre 15, 2026 ang contract signing at lot handover para sa proyekto. Inaasahang magiging operational ang bagong manufacturing facility sa pagsapit ng 2028.

Ano nga ba ang MDT Technologies Philippines?

Ang MDT Technologies Philippines ay isang bagong tatag na Philippine entity ng CQS Precision Die Casting Inc., isang kumpanyang nakabase sa Taiwan na gumagawa ng precision metal components. Ang kanilang pagpasok sa LIMA Estate ay hindi lamang isang simpleng pamumuhunan. Para kay Rafael De Mesa, President at CEO ng Aboitiz Economic Estates, mahalaga ang pagdating ng MDT Technologies Philippines dahil nagbibigay ang LIMA Estate ng strategic location para sa mga negosyong nais magsimula o magpalawak ng kanilang operations sa Pilipinas.

At para sa mga Batangueño, may magandang balita! Tinatanyang makalilikha ang proyekto ng mahigit 200 trabaho pagsapit ng 2028, bagong employment opportunities para sa mga manggagawa sa LIMA Estate at sa mas malawak na Batangas region.

Hindi lang pabrika ang itinatayo dito. Bahagi ito ng mas malaking kwento ng Batangas bilang isang lumalaking manufacturing at industrial hub sa bansa. At habang patuloy na dumarating ang mga bagong kumpanya at investments, isang bagay ang nagiging mas malinaw. Batangas is not just growing. It is becoming a destination worth investing in.

About Team Manager

Check Also

25th Aboitiz Football Cup Bridges Regional Champions for Historic National Finals at LIMA Estate

LIPA–MALVAR, BATANGAS — The 25th Aboitiz Football Cup Champions League reached its thrilling conclusion on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.