
ANO ANG NANGYAYARI KAPAG ANG ISANG BUONG BAYAN AY NAGKITA-KITA SA ISANG COURT?

Sigaw, palakpakan, at matinding laban—iyan ang makikita sa first season ng United San Pascual Volleyball League 2026 sa San Pascual, Batangas. Sa bawat serve, spike, block, at save, hindi lang galing sa volleyball ang ipinapakita ng mga players, kundi pati ang teamwork, determination, at pride para sa kanilang team at barangay. Sa pamamagitan ng initiatives ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Kabataan Federation, nabigyan ng pagkakataon ang mga volleyball players na maipakita ang kanilang talent, makapag-compete, at magkaroon ng mas maraming pagkakataon na makapaglaro.

First season pa lang ng USPVL, pero ramdam na ang excitement sa bawat game. Mula sa players hanggang sa families, friends, at supporters, bawat isa ay may bahagi sa energy ng liga. Higit pa sa kompetisyon, ang United San Pascual Volleyball League 2026 ay naging pagkakataon para magsama-sama ang mga San Pascualeño sa iisang passion—volleyball. Dahil sa bawat laban, hindi lang puntos ang nadadagdag sa scoreboard; mas napapalakas din ang samahan ng isang nagkakaisang bayan.

This is WOWBatangas — bringing Batangas closer to you!

ps. ctto of some photos used.
WOWBatangas.com Your Source of Great News and Stories from the Province of Batangas, Philippines