Breaking News

Work Anywhere : Bagong Normal sa pagtatarbaho

Noon, ang ating persepsyon sa pagtatrabaho ay ang pagpasok sa opisina araw araw mula alas otso umaga hanggang alas singko ng hapon.

Pero dahil sa pagbabagong hatid ng Modernong panahon at makabagong gadgets, utay utay nang nagbabago ang kahulugan ng trabaho sa atin. Dahil kaya pala nating magtrabaho kahit saan. 

Noon pa man ay mayroon na talagang trabaho naaari sa  Work from Home setup pero dahil sa pandemyang ating nararanasan ay mas naging bukas tayo sa ideya ng pagtatrabaho kahit saan. 

Tulad na lamang ni Aileen Lavisores, isang Real Estate Sales Agent. Gamit ang kanyang Mobile phone ay dito na nya sinasagot ang mga tanong ng kanyang mga kliyenteng naghahanap ng bahay kahit saan at sa oras na kailangan sya ng mga ito.

“Working from anywhere is very applicable nowadays dahil sa nararanasan nating pandemic. Kailangan din isecure ang trabaho na nagsusuporta sa pang araw araw natin kahit saan mang lugar as long as safe and you have your materials used to work.”
– Aileen Lavisores | Real Estate Sales Agent | Batangas House

Dine sa atin sa Lipa City, may ilang establisyemento na ang nag aadapt sa ganitong klase ng Work From Anywhere na setup ng pagtatarbaho.

“Madaming bagay sa bahay tulad ng mabagal na internet, non-work related concerns na maaring maging sagabal sa pagiging produktibo pagtatrabaho.

That’s why we’ve came up sa Work From Hotel Series para matulungan ang mga workers and students na magkaroon ng panibagong venue to study and work. Less stress, safe, cozy and relaxing workplace to help them be more focused on the tasks they need to do. 

Para sa amin, sobrang importante ng Work-Life balance. Mas nagiging productive ka at mas nakakapag isip ka ng maayos na kailangang kailangan natin ngayong panahon ng pandemya.”
– Yvonne Saculo | Business Development Assistant | JET Hotel

Sunod sunod man ang mga hindi inaasahang pangyayari ngayong taon, nakakatuwa pa din ang makitang mabilis na nakakasabay ang mga Batangueño sa mga pagbabagong ito.

Hindi man aare ang garneng klase ng sistema sa lahat ng tarbaho eh magaling na din na bukas tayo sa iba pang pamamaraan ng pagtatarbaho ngayong panahon na mas kailangan natin ito para maka-survive sa panahon ng pandemya.

Anong pagbabago ang naganap sa iyo ngayong taon? At ano ang iyong ginawa para maka adapt dito? 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.