Breaking News

El Pasubat Festival 2023 at 450th Founding Anniversary ng Taal Batangas matagumpay na nailunsad.

Matagumpay ang tatlong araw na selebrasyon ng ika-450 na taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Taal Batangas at El Pasubat Festival 2023! Ang El Pasubat ay ang taunang festival sa Bayan ng Taal na syang paraan nila ng pagpapasalamat sa mga biyayang natatamasa ng Bayan ng Taal. Ang EL PASUBAT ay binubuo ng mga letra mula sa pangunahing producto ng bayan ng Taal, Batangas, ang Empanada, Longanisa, PAnutsa, SUman, BArong, BAlisong, Tapa, Tawillis, Tamalis, Tulingan, Tsokolate.


El Pasubat Festival 2023 Day 1:
Sinimulan sa isang misa ng pasasalamat at LGU and Commercial Motorcade ang selebrasyon.

Sinundan naman ng pagbubukas ng TIKME o Teknolohiya at Inobasyon Kaagapay ng Micro Enterprises, isang 3 day trade fair katuwang ang DOST Batangas kung saan tampok ang mag samu’t saring Produktong Batangueño na kanilang tinulungan sa pamamagitan ng agham at teknolohiya. Nagkaroon din ng mag iba’t ibang seminar para sa mga entrepreneurs.

Are ang listahan ng mag nanalo:
Best Themed Booth: Sweetie Pies Bakeshop
Best Managed Booth: Yakap at Halik Multipurpose Cooperative Batangas 1
Top Seller: Sweetie Pies Bakeshop
People’s Choice Award: Tembong’s Juice

Nostalgia naman ang naramdaman ng mga dumalo sa Palaro ng Lahi kung saan tampok ang iba’t ibang Laro ng Lahi tulad ng Palo Sebo, Patintero, Hilahan ng Lubid kalahok ang mga Senior High School Students ng Bayan ng Taal. Naglalayon itong iparanas muli sa mga kabataan ang paglalaro ng mga ito at maranasan nila ang sayang dulot nito. Pagkatapos nito’y sinundan ito ng Musical Variety Show na “The Best of Taaleños Talents”.

El Pasubat Festival 2023 Day 2:

Sa pangalawang araw nama’y napuno ang kalsada ng mga makukulay at naglalakihang float sa kanilang Float Parade and Street Dancing. Sinudan ito ng Guhit ng Kasaysayan (Sketching Taal), Visita De Las Casas kung saan binuksan ang mga sikat na ancestral house sa bayan ng Taal, Culinary Competition at Baylehan sa Plaza (Ballroom Dancing).

El Pasubat Festival 2023 Day 3:
Sa pangatlong araw nama’y isang misa muli ang ginanap. Isa naman sa highlight ng araw na ito ay ang “Taalmusal” o community breakfast tampok ang mga pagkaing pinagmamalaki ng Bayan ng Taal tulad ng Tapang Taal, Longganisa, atbp. Sinundan naman ito ng Talentong Taal (Quiz Bee/Balagtasan/Spoken Poetry/Essay Writing), El Pasubat Pakulo sa Palengke (Silang magtitinda ang sagana), Musical Extravaganza feat. Rocksteady) at Fireworks Display.

Ayon kay Honorable Mayor Pong Mercado, matapos ang ilang taon pandemya, ito’y selebrasyon ng muling pagbubukas at paglakas ng turismo ng Bayan ng Taal at pasasalamat sa patuloy na pagsuporta ng mga turista sa Bayan ng Taal.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.