Breaking News

Padre Garcia, Batangas 72nd Founding Anniversary | Kabakahan 2021 Celebration

Padre Garcia, Batangas | December 1, 2021

Matagumpay na naidaos ang ika-72nd Founding Anniversary ng Bayan ng Padre Garcia, Batangas at Kabakahan 2021 ng may pag iingat at pagsunod sa mga itinakdang protocols ng IATF.

Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Sa Kalakalan at Serbisyo, Kultura’t Turismo, sa panahon ng pandemya, Garciano, Sulong tayo!” kung saan ang mga programa’y nakatuon sa pagbibigay serbisyo sa mga Garciano at pagpupugay sa mga natatanging produkto at galing ng mamamayang Garciano!

Nagsimula ang araw sa isang banal na misa na pinanguhan ng Kagalang-galang na Punong Bayan Celsa Braga-Rivera, Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Noel Cantos at ng buong Sangguniang Bayan Members at mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia.

Sinundan naman ito ng Wreath Laying sa mga natatanging Garciano bilang pagpupugay sa kanilang malaking kontribusyon sa Bayan ng Padre Garcia.

Isang simpleng programa naman ang ginanap sa patio ng Most Holy Rosary Parish Church, Padre Garcia, Batangas kung saan ipinakita ang husay sa pag awit ng LGU Padre Garcia Grand Chorale kasama ang Batangas Symphonic Band.

Bahagi din ng programa ang ilang panauhin pandangal para magbigay ng kani-kaniyang mensahe:
Hon. Lianda B. Bolilia (4th District Congresswoman)
Hon. Mark Leviste (Vice Governor – Province of Batangas)
Hon. Michael Angelo C. Rivera (1-Care Partylist Representative)

Nagkaroon din ng isang Cultural Dance Presentation tampok ang mahuhusay na mamanayaw ng Padre Garcia Culture and Arts Dance Company sa pangunguna ng Municipal Tourism Culture and Arts Offcer Mr. Romy C. Diaz.

Pagkatapos nito’y sabay sabay nang sinumulan ang mga simultaneous activities at Public Service Caravan ng Padre Garcia kung saan tampok ang mga serbisyo at produktong Garciano :

Magandang Umaga! Padre Garcia Livestream :

COVID19 Vaccination :

Free Distributions of Seeds and Seedlings :

Free Legal Assistance Consultation :

Free Issuance of Certificates :

Free Dog and Cat Vaccination

Lutong Baka, Luto ko ‘toh Cooking Competition 2021

Story Writing Contest :

List of Winners :
Kabuhayan :
Filipino Category: Ms. Ruby D. Escabosa
English Category: Ms. Rona E. Dipalac & Ms. Novie E. Bolaños

Kwentong Bayan :
Filipino Category: Ms. Ruby D. Escabosa & Ms. Kris D. Glory
English Category: Ms. Ruby D. Escabosa & Ms. Kris D. Glory

Kasaysayan:
Filipino Category : Ms. Roseann D. Abregonda & Mr. Cesar M. Ramirez Jr.
English Category : Ms. Francis ALyana B. Magtibay

1st Shoot ko toh Photography Contest 2021

Professional Category :
GRAND WINNER – Mr. Rommel Laqui
2nd place winner – Mr. Jester Magsino
3rd place winner – Mr. Gmarth Florendo
4th place winner – Mr. Gilbert Caringal
5th place winner – Ms. Aiza Vergara

Non-Professional Category :
GRAND WINNER – Mr. John Cedric Alejo
2nd place winner – Mr. Aldrin Gonzales
3rd place winner – Mr. John Christian Tapay

Tunay na ipinakita ng Bayan ng Padre Garcia na mahalaga ang pakikiisa ng bawat mamamayan ngayong panahon ng pandemya at bilang mga public servant ay marapat nating gampanan ang ating mga tungkulin lalo’t higit sa panahong kailangan tayo ng ating mga kababayan! Mabuhay ang Bayan ng Padre Garcia!

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.