Breaking News

Kauna-unahang Online Celebration ng World Teacher’s Day ipinagdiwang sa Tanauan City, Batangas

Ngayong taon sana ang ika-9 na taon ng pagdiriwang ng “Thank you Teachers!”, isang programang inoorganisa taon taon ng FAITH Colleges at DepEd Division of Tanauan City para bigyang pugay at pagkilala ang ating mga dakilang guro. Sa araw na ito ay libo-libong mga guro ang nagsasama sama upang magsaya at magpahinga sa isang araw na punong-puno ng samu’t saring mga patimpalak, palaro at freebies.

Ngunit dahil sa kinakaharap nating pandemya ay hindi ito naisatuparan tulad ng dati ngayong taon. Gayun pa man, sa pagtutulungan ng Department of Education, Division of Tanauan City ay naganap ang kauna-unahang selebrasyon ng Online World Teacher’s Day sa Tanauan City, Batangas.

Isang araw ng pagpupugay at pagkilala sa ating dakilang mga guro na may temang “Gurong Filipino para sa Batang Filipino”. 

Tinalakay din dito ang paghahanda at pagbabagong ginawa ng sektor ng edukasyon at mga guro sa “New Normal way” ng pagtuturo. Binigyang pugay din ng DepEd division of Tanauan City ang FAITH Colleges at ang natatanging kontribusyon nito sa pagtulong at pagpapaunlad ng mga estudyante at patuloy na pagsuporta sa mga programa ng nasabing kagawaran.

Nagkaroon din ng performances ng mahuhusay na estudyante, paligsahan ng nakakaaliw na Tiktok Videos at paggagawad ng karangalan sa mga natatanging guro na may malaking kontribusyon sa paghahanda para sa Online Blended at Modular System Learning. 

“Isang panibagong hamon ito sa atin pero hindi ito sapat para pigilin ang ating pagkamalikhain at ang ating kagustuhan para turuan ang ating mga kabataan. Ito ay natatanging panahon kung saan ang panibagong tapang at tatag ng loob ay nararapat na manatili para tayo ay magtagumpay. Pagsama-samahan at pagtulung-tulungan natin para masigurong ang kinabukasan ng ating mga kabataan ay magpapatuloy.”

Hindi natin maikakaila na malaking bahagi ang ginagampanan ng mga guro sa pagbuo ng ating lipunan. Gayundin sa transisyon natin mula sa dating paraan ng pagtuturo hanggang sa New Normal o Online Blended Learning sa kasalukuyan.

Ikaw, anong hindi mo makakalimutang aral mula sa iyong guro?

Ibahagi mo sa amin ang iyong kwento.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.