Home / Features / Events / One Mediatrix Family Fun Day

One Mediatrix Family Fun Day


Matapos ang ilang araw ng kanilang week-long celebration ng Mary Mediatrix Medical Center’s 59th Year Founding Anniversary, ay isang Family Fun Day ang kanilang idinaos kahapon, ika-23 ng Hulyo, 2017 sa MMMC Parking Area. Sinimulan ito sa isang payak na misa bilang pagpapasalamat sa matagumpay nilang selebrasyon ng kanilang limampu’t siyam na taong pagbibigay serbisyo sa mga batangenyo at mga karatig bayan nito.

“One Mediatrix Family Fun Day” ang tema ng Family Fun Day na siyang sumisimbolo sa pagiging isa at pamilya ng bumubuo ng Mary Mediatrix Medical Center. Ayon nga kay Dr Robert Magsino, ang presidente ng MMMC na ang MMMC ay hindi magiging buo kung hindi sa tulong ng lahat ng miyembro nito. Mula sa mga maintenance, nurses, medical technician hanggang sa mga bumubuo ng pamunuan ng MMMC at ang bawat isa sa kanila ay malaking bahagi ng tagumpay ng MMMC.

Pagkatapos ng misa ay isang masayang araw naman ang nakaabang sa kanilang lahat dahil sa mga inihandang presentation, freebies at games ng iba’t ibang sangay ng MMMC. Kitang kita ang galak sa kanilang mata habang naglalaro ang mga bata at “young at hearts” sa mga games tulad ng Toilet Paper Toss, Duck Fishing Game, Dart that Ball, Bean Bag Toss atbp. Busog na busog din sa mga freebies at tunay namang nakamamangha at nakakatuwa ang manuod sa ihinandang presentasyon tulad ng pagkanta ng ilan sa mga empleyado, magic show at puppetry  performance ni vergel the magician.

Isang patunay lamang ito ng pagiging isa at pagkakabuklod ng lahat ng bumubuo sa MMMC at sila’y nakatanaw pa at patuloy na magseserbisyo ng buong puso sa mga susunod pang mga taon.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Nakalilitong Salitang Batangueño? | Huntawanan S2Ep3

Buhos pa rin ang tawanan kahit na walang piho pa ring apaw ang ulan ngayong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.