Breaking News

Kwento ng pagtutulungan sa panahon ng Pandemya

Noong pumutok ang bulkang taal ngayon taon ay namangha tayo sa naganap na bayanihan at dagsa ng donasyon para sa ating mga kababayan. 

Makaraan ang ilang buwan nagkaroon naman ng lockdown dahil sa covid19. At dito mas nasubukan ang bayanihan at pagtutulungan ng mga Filipino.

Pero ika nga nila eh “Kung gusto eh laging mayroong paraan.” kaya naman kami’y humahanga sa sa mga kwento ng pagtutulungan sa panahon ng pandemya.

Tulad na lamang ng kwento ng “Malasakit at Lingap sa Cuenca” Group, isang non-profit organization sa Bayan ng Cuenca, Batangas kung saan isang Online Concert sa Social Media ang naging inspirasyong nila para makalikom ng pondo para sa mga mag aaral ng Cuenca Batangas.

Tinawag nilang “Juan Piso para sa Cuenca” ang naturang Online Concert na nilahukan ng iba’t ibang banda at performers mula sa Maynila at dine sa atin sa Batangas. Ang mga nalikom nilang pondo ay ibinili ng mga Bondpapers, Printers and Ink na ibinahagi sa mga iba’t ibang eskwelahan sa Cuenca, Batangas. Bukod sa pagtulong sa mga bata ay layunin din nilang makatulong sa mga Performers na lubhang naapektuhan din ng pandemya.

Isang NGO naman mula sa Connecticut, USA na binubuo ng mga propesyunal at OFWs mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang nakipagtulungan sa WOWBatangas para magpaabot ng tulong sa ating mga kababayang lubhang naapektuhan ng pagputok ng bulkan at ng pandemya.

Ayon kay Sir Ariel Magtibay, Chairman ng Falconn Org ay marami na silang natulungan at prioridad nila ang kanilang mga kababayan dito sa atin sa Pilipinas. Napili nila na tulungan ang dalawang eskwelahan sa Talisay, Batangas at Agoncillo, Batangas na nangangailangan ng mga kagamitan para sa paggagawa ng modules ng mga bata ngayong pasukan.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga guro sa mga tulong na natanggap at malaking bagay ito para maipagpatuloy ng mga bata ang kanilang pag aaral sa pamamagitan ng mga modules. 

Tunay ngang likas sa ating mga  Batangueño ang magtulong tulong sa abot ng ating makakaya. 

Ika nga ay wala sa laki o liit ng pagtulong iyan, yan ay nasa kagustuhan mong magbahagi at makatulong para sa mga taong higit na nganga ilangan

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.