Breaking News

Estudyante sa San Juan, Batangas hinangaan sa pagiging maparaan sa pagpasok sa Online Class

Bagaman inanunsyo na ng DepEd Philippines ang unang araw ng klase sa ika-5 ng Oktubre, may ilang eskwelahan pa ding nagpatuloy sa pagbubukas nitong Agosto 24, 2020. Inaasahan naman ng lahat ang matinding pagbabagong ito’y utay utay na makakasanayan ng ating mga guro at maging ng estudyante. Sa katunayan, ilan sa kanila ay humarap sa ilang problemang kaugnay ng Online/Blended Learning tulad ng kakulangan sa angkop na gadget at mahinang signal para sa internet.

Pero ika nga, ang mga Batangueño’y sumasabay sa agos ng panahon at dine sadya lumalabas ang ating pagiging malikhain at maparaan. Tulad na lamang ng estudyanteng si Mark Joseph Andal na isang First Year BS Mechatronics Engineering student sa isang eskwelahan dine sa Batangas na problema ang mahinang signal sa loob ng kanilang bahay kaya naman kinailangan nyang pumunta sa kagubatan malapit sa kanila dahil duon lamang sya nagkakaroon ng signal para sa internet.

Aniya, noong unang araw ng kanilang klase ay nahihiya sya sa kanyang kaklase dahil gubatan ang matatan’aw sa kanyang likuran. Gayon pa man ay mas naging daan ito upang mag pursigi si Mark Joseph at naisip nyang magsetup ng kurtina bilang kanyang background at gumawa din sya ng improvised phone holder gamit ang ilang piraso ng kahoy at kawayan.

Hanggang nitong ika-26 ng Agosto ay hindi nya inaasahang bibisitahin sya ng kaibigan nyang si Joseph at nakita ang kanyang sitwasyon habang nag o-online class. Hinangaan naman ni Joseph ang pagiging maparaan at ang dedikasyon ni Mark Joseph sa pag aaral at ipost agad ang kuhang larawan nito sa social media.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=865066707359652&id=100015689927624

“H’wag nating hayaan na may humadlang sa pangarap natin. Minsan lang tayo mangangarap at h’wag nating hayaang mahadlangan ito ng kahit sino o kahit ano. Don’t take this as a problem, take it as motivation. Sa mga guro, saludo ako sa inyo dahil sa kabila ng lahat ng ito at sa lahat ng problemang ating kinakaharap ay nariyan pa din kayo para turuan kami.”
– Mark Joseph Andal | BS Mechatronics Engineering Student

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.