Home / Features / Events / LIMA Park Hotel’s Bisikleta Iglesia 2018 | Simbahan sa Bisikleta

LIMA Park Hotel’s Bisikleta Iglesia 2018 | Simbahan sa Bisikleta

Higit sa dalawang daang mga siklista ang nakilahok sa Bisikleta Iglesia ng LIMA Park Hotel kanina, ika-24 ng Marso, 2018. Ito ang ika-(5) limang taong pagdaraos ng kakaibang taunang panata ng mga siklista kung saan bumibisita sila sa 7 magagandang simbahan dito sa atin at ito ay ang mga sumusunod :

1. Sto. Nino Parish Church, Marawoy
2. Marian Orchard, Balete
3. Divino Amor Chapel-Redemptorist
4. Parish of Mary, Mediatrix of All Grace
5. Our Lady of Mt. Carmel Monastery
6. Metropolitan Cathedral of SanSebastian
7. Parish of St. Therese of the Child Jesus

Pinanguhan ang naturang Bisikleta Iglesia ng LIMA Park Hotel at Team Ganit na syang mga grupo  ng siklista na nabuo ng dahil sa Bisikleta Iglesia ng mga nakaraang taon. Naroon din ang tinaguriang “Running Priest”  Father  Robert Reyes OFM na sya namang nagpapasinaya ng pag iistasyon sa bawat pinupuntahang mga simbahan.

Isa sa highlight ngayong taon ang pagsusuot ng mga karatula ng ilan sa mga siklista na sumisimbolo sa mga istasyon ng krus. Ika nga ni Father Robert Reyes na mas nais nya itong tawaging Simbahan sa Bisikleta kaya’t ang hiyaw ng bawat kalahok ay “Padyak na, Dasal pa!”.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

FAITH opens MLBB tourney for students

Living up to its name as a leading institute of technology education in the province, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.