Breaking News

Talentadong mga Batangueño bidang bida sa Pilipinas Got Talent

Pinahanga nanaman ang buong mundo ng mga mahuhusay na talentadong Batangueño kanina ika-04 ng Pebrero, 2018 sa isang episode ng Pilipinas Got Talent. Kasabay ng dagundong ng mga tambol na yari sa recycled materials ay sabay din ang lakas ng palakpakan at hiyawan sa mahuhusay na Batangas Drumbeaters. Tunay namang napahanga nito ang mga hurado, lalong lalo na ang “badboy” huradong si Robin Padilla. Pinakilig naman ng Batangenyong Spoken Poetry Artist na si Anthonio Bathan JR ang artistang si Angel Locsin sa kanyang tulang kathang pinamagatang “Pakbet”. Ay talaga namang pak na pak at bet na bet ng mga hurado ang kanyang likhang sining.

Madami pang natatagong taleno ang mga Batangenyo at sa mga susunod na araw ay aming ipapakita pa sa inyo ang iba bilang parte ng aming pagtulong sa Sining ng mga Batangenyo at pag suporta sa pagdiriwang nga Art’s Month ngayong Pebrero.

Kung hindi mo napanuod ay are ang mga bidyo ng kanilang performances mula sa Youtube account ng Pilipinas Got Talent.


About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Pagtan’aw sa Bulkang Taal mula sa Tagaytay

Nitong nagdaang linggo, isang pambirihang larawan ng Bulkang Taal ang nakuhanan ni Laurence Nils, tubong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.