Breaking News

Thank you Frontliners! Tema ng Kapaskuhan sa Batangas City

Pasasalamat sa ating magigiting na Frontliners ang naging tema ng Christmas Lighting Ceremony sa Plaza Mabini, Batangas City nitong ika-1 ng Disyembre taong 2020.

Pinanguhanan ito ng Lokal na pamahalaan ng Batangas City at mga medical frontliners sa iba’t ibang hospital at mga frontliners ng lokal na pamahalaan.

Ito’y sumisimbolo na kahit ano mang pagsubok ang dumating ngayong taon ay kitang kita ang tatag, disiplina, malasakit sa kapwa at matibay na pananampalataya sa Diyos ng mga Batangueño.

Lubos lubos naman ang pagpapasalamat ng Lungsod ng Batangas sa mga Frontliner at sa kanilang kontribusyon sa pagtulong sa ating pandemyang kinakaharap.

Sinisigurado naman ng lokal na pamahalaan na paiigtingin ang pagpapatupad ng health and safety protocols at city ordinances kontra COVID 19. Sa katunayan ay may mga nakaantabay na tauhan ng Batangas City Police Station (BCPS).

Larawan ni Gio Tatlonghari

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Taal Volcano alert status is now raised at level 3

BULKANG TAALRaising ng Alert Level01 Hulyo 2021 This serves as notice for the raising of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.