Breaking News

10th Scott Kelby’s Worldwide Photowalk : The Great Loop

Muli na namang nagkita kita ang mga litratista ng Batangas noong ika-7 ng Oktubre, 2017 para sa taunang Scott Kelby’s Worldwide Photowalk sa pangunguna ng aming Photowalk Leader Joel Mataro. Ito ang ika-10ng taong anibersaryo ng sinasabing Worldwide Photowalk. Noong nakaraang taon ay ginalugad namin ang syudad ng Lipa, ngayong taon naman ay isang kasaysayan ang naganap dahil sa unang pagkakataon ay inikot namin ang mga bayan na pumapalibot sa Taal Lake.

Maaga pa lang ay nagkita kita na kami sa Lima Park Hotel kung saan kami ay nagpatibuhat. Pagkatapos ng maikling diskusyon sa mga magaganap sa maghapon ay sinimulan na namin kumuha ng mga larawan sa loob ng LIMA Park Hotel. Pagkatapos ng ilang saglit ay dumiretso na kami sa Pamilihang Bayan ng Talisay, Batangas kung saan babatiin ka ng napakagandang view ng Taal Volcano.

Pagkatapos naman ay dumiretso na kami sa abandonadong theme park sa Lemery Batangas ang Fantasy World na ngayon ay dinadayo at kinikilala na din ng mga banyaga.

Sumunod naman sa listahan namin ang bayan ng Taal na mas kilala bilang Heritage Town.

At ang huling destinasyon namin ay ang Marian Orchard at ang pinakareward sa buong maghapon ay ang Ginintuang Takipsilim ng Balete, Batangas.

 

Ang napiling ng mga huradong pambato ng Batangas ngayong taon ay ang Sunset View Shot ni Jester Magsino sa Balete, Batangas

Ito pa ang ilan sa mga larawang isinumite ng ilan sa mga kalahok sa 10th Scott Kelby Worldwide Photowalk:

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Ang araw bago pumutok muli ang Bulkang Taal

Processed with VSCO with a4 preset Ilan lamang ito sa mga kuha ni Joshua mula …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.