Breaking News

Gov. VI Leads Isla Verde Socio- Civic Service and Medical Mission

vilmaIsla Verde- Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng mga residente ng Isla Verde sa delegasyon ng Pamahalaang Panlalawigan na nagsagawa ng Medical and Dental Mission noong ika- 27 ng Enero 2010.

Ang Medical Mission ay mismong pinamunuan ni Batangas Governor Vilma Santos Recto kasama ang medical and dental team mula sa Provincial Health Office kaagapay ang ibat-ibang ahensya ng pamunuang kapitolyo at mga punong Barrangay ng Batangas City upang ipaabot sa Isla Verde community ang Social and Civic Services ng Kapitolyo.

Matagumpay na naipabot sa mga residente mula sa anim na Barangay ng Isla ang ang libreng serbisyong medikal na ginanap sa Bahay Pamahalaan ng Brgy. San Agapito.

Bukod sa pagbibigay serbisyong medikal, bumista si Governor Vi sa San Agapito National High School upang makipanayam at alamin ang estado ng edukasyon sa paaralan.

Nagbigay direktiba ito sa pamunuan ng pamunuang kapitolyo na tiyakin na nakakarating ng maayos ang serbisyong edukasyon na hatid ng lalawigan.

Binigyang pagkakataon din ni Governor Vi na kapulungin sa isang Baranggay Forum ang mga lupon ng Punong Barangay mula sa Batangas City na personal na sumama sa kaunaunahang pagbisita ni Governor Vi sa Isla Verde.

Ipinahayag ng lady Governor sa mga Brgy. Captains na kung mabibigyang ng ikalawang pagkakataon na muling maglingkod bilang Gobernador ay lalo pang papalakasin at pagtutuunan ng pansin ang serbisyong pang- baranggay.

“Ngayong halos kumpleto na ang mga Major Development Projects ko sa Ilalim ng HEARTS program para sa lalawigan sa aking unang termino, sa barangay naman ang pagtutuunan natin ng pansin upang mapalakas ang kapabilidad ng mga ito magsilbi sa kanilang komunidad” pagtatapos ni Governor VI.

Ipianaabot ng Gobernador ang kanyang pasasalamat sa mainit na pagtangap ng mga ito sa kanyang pamunuan ganun din ang paghanga sa taga isla sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng Island Baranggay na syang nakakasakop sa Verde Island Passage na tinaguriang Center of the Center of Marine Life Bio- Diversity in the World.

Ulat mula kay: Edwin V. Zabarte OPG-PIO

[tags]Gov. Vilma Santos Recto, batangas, Batangas City, Isla Verde Island, Medical and Dental missions[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

2020 : Ang WORST YEAR ng BATANGAS | Banas Daily

Pinaka masamang taon na nga ata ang taong 2020 para sa atin. Nariyan ang sunod …

No comments

  1. Can you help my friend’s father. My friend’s name is Jeremy Gonzales. He needs 2,500 php for the hospital to release his father. His parents are separated and my friend, i don’t know if he’s still enjoying his MA scholarship in DLSL because he hardly survive the day. he doesn’t have stable income yet.please help him..i’m not sure if the hospital is the public hospital in Granha. kindly reply to my post.pls

  2. Can you help my friend’s father. My friend’s name is Jeremy Gonzales. He needs 2,500 php for the hospital to release his father. His parents are separated and my friend, i don’t know if he’s still enjoying his MA scholarship in DLSL because he hardly survive the day. he doesn’t have stable income yet.please help him..i’m not sure if the hospital is the public hospital in Granha. kindly reply to my post.pls

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.