Tag Archive | "simple jokes"

Si Nino, ang Palaka, at ang Balon


kwentong batangas
Ssshhhh… Ale eh wag nang maingay. Ika’y makinig na laang at magkukwento na ulet si Toto. Areng kwentong are ay pagbibidahan naman ni pareng Nino…

“Haay..Kapagod nmn maglinis ng bakuran. Maka-igib nga muna ng tubig sa balon.”,wika ni Nino na tagaktak na ang pawis sa mukha. Nadatnan nya ang isang palaka na nasa may gilid ng bunganga ng balon. Kinuha nya agad ang balde at itinapon ang palaka palayo.

Napatingin sya sa malinaw na tubig sa balon. Nakita nya ang kanyang repleksyon.

“Tsk… Ang pangit mo naman. Ang pangit mo.”, pasigaw nyang sabi.

Biglang may sumagot pabalik sa kanya.

“Tsk… Ang pangit mo naman. Ang pangit mo.”

Luminga-linga si Nino sa paligid para hanapin ang nagsalita ngunit wala syang nakita. Tumingin ulet sya sa balon at sumigaw.

“Sino ka bang pangit ka? Magpakita ka nga.”

Sinagot ulet sya ng isang tinig.

“Sino ka bang pangit ka? Magpakita ka nga.”

Nagugulat si Nino sa kanyang mga naririnig. Nalungkot sya sa pag-iisip na pati ibang tao, pangit din ang tingin sa kanya. Nagdesisyon syang di na lang kumuha ng tubig mula sa balon. Paalis na sana sya ngunit, narinig nya ang isang tinig.

“Kokak. Kokak.” Ang sabi ng palakang tinapon nya kanina.

“Ikaw ba ang nagsasalita kanina?” sabi ni Nino.

“Kokak. Hindi ah. Kokak… Tumingin ka ulet dito sa balon. Kokak.”

Kahit gulat na gulat sa palaka, muling tumingin si Nino sa balon.

“Alam mo Nino, ikaw ang nagsasalita kanina. Kokak. Ikaw at wala ng iba. Kokak. Ang buhay ay depende sa kung paano mo ito titingnan. Kokak. Ikaw ay ikaw depende sa iyong mga mata. Kung patuloy mong makikita na pangit ka at patuloy na sasabihing pangit ka, eh pangit ka nga. Kokak. Lalo kang papangit kasi yun ang nakikita mo. Kokak. Subukan mong tumingin ulet sa balon at sabihing gwapo ka. Kokak. Tapos pakinggan mo ulet ang susunod na tinig.” sabi ng palaka na walang tigil sa pagkokak.

Lumapit si Nino at nagsalita. “Ang gwapo mo.” Pagkatapos ay tahimik na pinakinggan ang susunod na tinig.

“Ang gwapo mo.”

………….

“Ang gwapo ko no?”, ika ni Toto.

Posted in Maikling KwentoComments (1)

Oral Exam ni Pareng TOTO


pilipino jokes | batangas jokesIsang umaga sa classroom nina TOTO…

TITSER: TOTO! Use BE COOL and I’LL BUY in a sentence.
TOTO: The tourist went to Mayon volcano in I’LL BUY, BE COOL.

TITSER: Use SCHOOLING in a sentence.
TOTO: Nag-ring daw ho kunware ang telepono Ser. (phone rings)… Hello? Who SCHOOLING?

TITSER: Use AFFECT in a sentence.
TOTO: Jackie is wearing AFFECT diamond ring.

TITSER: Use DECANTER in a sentence.
TOTO: You can order that medicine over DECANTER.

TITSER: Use DESPISE in a sentence.
TOTO: Who baked all DESPISE?

TITSER: Use DIFFERENT and DIFFERENTIAL in a sentence.
TOTO: I am looking for DIFFERENT of this boy to get DIFFERENTIAL consent so he can go to the picnic.

TITSER: Use CONTEMPLATE in a sentence.
TOTO: Noel, ang dami-daming pagkain, pero, ko-CONTEMPLATE.

TITSER: Use ARTESIA in a sentence (if you don’t know what this is, it’s a city [or street] at the L.A. COUNTY in CALIFORNIA)
TOTO: Pagsaganda na sana ng chix na yun, pero, ma-ARTESIA.

TITSER: Use CARDIAC in a sentence.
TOTO: Na-CARDIAC yung kotse ni Noel noong isang gabi.

TITSER: Use CENTURION in a sentence.
TOTO: Na-CENTURION si Noel ng tatay niya dahil sobrang ligalig.

TITSER: Use DEDICATE in a sentence.
TOTO: Pag ginamitan ng glue, siguradong hong DEDICATE.

TITSER: Use DELICACY in a sentence.
TOTO: Bagal mo Noel! DELICACY mahuhuli na tayo.

TITSER: Use LAITY in a sentence.
TOTO: Taga LAITY si Imelda Marcos.

TITSER: Use MENTION in a sentence.
TOTO: Ang pagsalaki ng bahay ni Noel ah, parang MENTION eh.

TITSER: Oh last na are! Use CADET in a sentence.
TOTO: CADET ko si Anna nung isang gabi. Ngayon, si Noel naman ang CADET niya.

Posted in Kwentong BarakoComments (2)

Magsakol ay di Biro.


joke time | batangas jokes | filipino jokes

Isang magandang umaga sa bahay ni TOTO…

TOTO: Pare, noong mayaman pa kami, nakasakol kaming kumain.Ngayong mahirap na kami, nakakubyertos na.
NOEL: Baligtad yata ah?
TOTO: Mahirap kamayin ang lugaw, pare! mahirap!

Posted in Kwentong BarakoComments (0)

Our Subject for Today: Ethics


batangas jokes | batanguenyo jokes | pinoy jokes

Sa klasrum nina TOTO…

Titser: Class, what is ETHICS?
TOTO: Etiks are smaller than ducks.
Titser: Okey, that duck will lay an egg in your card.

Posted in Features, Kwentong BarakoComments (0)

Hinati-hating Piraso ng Karne


batangas jokes | kwentong barbero | simple jokes
sa  central school…

PROP: Tanong! kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
TOTO: 2 po Ser!!!
PROP: At kung hinati ko pa pareho??
TOTO: 4 piraso po.
PROP: Hinati ko ulit…
TOTO: 8 piraso po.
PROP: Hinati ko pa…
TOTO: 16 po Ser!
PROP: Hinati ko pa…
TOTO: 32 piraso po
PROP: Kung hinati ko pa ulit?
TOTO: 64 po!!! (galit)
PROP: hinati ko pa 2 beses ko pang hinati…
TOTO: ay xa, GINILING na un Ser!!.. GINILING!!!

Posted in Features, Kwentong BarakoComments (0)

Toto at Panaginip: Mutya ng Batangan


Si Pareng Toto at Nino sa Park

Isang umaga sa parke… Naguusap ang magkumpareng Toto at Nino

NINO: Pare, anu gang iniisip mo at pagkakalalim ata?
TOTO: Nanaginip kasi ako kagabi pre. Kasama ko daw ang 23 contestants ng Mutya ng Batangan!
NINO: Swerte mo pre! Eh ano pa gang problema mo?
TOTO: pare ako ang nanalo!!!

Posted in Kwentong BarakoComments (0)

Ang Panganay na Anak


kwentong barbero

Isang araw sa habang nag kukwentuhan ang tatlong magkakaibigan sa basketbolan.

NOEL: Pare, pag ako eh nagka-anak na eh ang ipapangalan ko eh… “LEON“!
para ga kabaliktaran ng aking pangalan!

NINO:  Ah!  ay gay’un ga yung sayo? Eh di yung saken palang panganay eh “ONIN” ?

NOEL: Oo! Ganun nga ang pangalan ng magiging anak mo!

TOTO: H’wag nyo nga pinag-uusapan yan sa harapan ko!

Posted in Features, Kwentong BarakoComments (1)