Home / Features / Latest / Louie Escalante | Magkakarit | San Juan Batangas

Louie Escalante | Magkakarit | San Juan Batangas

“14 Years old pa lamang ako’y ito na ang trabaho ko dahil sa hirap ng buhay noong una. Kinamulatan na din dahil ganare din ang ipinangbuhay sa amin ng aming mga magulang. Halos 30 years ko na itong trabaho at sya ring nagpapaaral sa aking apat na anak. Ang pinakamahirap na aking pinag daanan sa buhay ay noong nawala ang aking ama. Iyon na siguro ang pinakamasakit sa akin kasi sa kanya ako nagmana at sa kanya ko din natutunan ito. Ako ang kanyang magtatanggal hanggang sa tinuruan na nya ako.

Masaya lahat ng mga alaala ko na kasama sya, kahit sa inuman ay nakakaharap ko sya at masaya lagi an aming inuman. Isa pa sa mga di ko malilimutang itinuro nya sa akin ay ang pagtitipid, pagtyatyaga at pagiging masipag para umangat sa buhay. Ipinagpapasalamat ko sa kanya ang lahat ng aking pagiging magtutuba dahil dito nakakatikha ako ng mga gamit at napapag aral ko ang aking mga anak.”

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

FAITH opens MLBB tourney for students

Living up to its name as a leading institute of technology education in the province, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.