Filed under | Others

Ang Batangueño Kapag Walang Kuryente

Ano ang madalas ginagawa ng mga Batangueno kapag maghapong walang kuryente?

Hindi naman ito problema ng mga estudyante na buong araw ang klase dahil nasa school naman sila (purwisyo nga lang dahil walang aircon o fan at di kaya ng generator) at ang mga empleyado na buong araw din ang trabaho.

Para sa mga mobile people na katulad namin, pwedeng maging opisina ang kahit anong lugar basta may wi-fi. Kayo? Alin dito ang madalas mong gawin kapag brownout?

Mag-mall. Usually, ito ang the best na solusyon laban sa init at inip. Walang problema kung mapera ka. Kung nagtitipid ka naman, umalis ka ng bahay after lunch, pamasahe lang ang gastos mo sa pagpasyal sa paborito mong mall.

Manood ng sine. Kung wala kang trabaho o importanteng gagawin, ang panonood ng sine ang isa sa pinaka-eenjoyin mo. Magandang bonding din ito ng pamilya.

Magpicnic sa park. Kung may bayad man, siguro P20 lang kagaya sa community park ng Lipa. Pwedeng maglaro ang mga bata, mag-take ng pictures pang-post sa Facebook, magkuwentuhan kasama ang mga taong mahahalaga sa ‘yo.

Maglinis ng bahay. Pagkakataon mo na ‘to para pansinin ang kwarto mong matagal ka nang inaantay para linisin s’ya. Kung tinatamad kang umalis ng bahay, walang pera, o walang makasama para mamasyal, maglinis ka na lang ng bahay. Maaring pagod ka nga pagkatapos pero matutuwa naman ang nanay o asawa mo. :)

Gawin ang hobby. Do you play sports? Gusto mong mag-bike? Gawin mo ang mga bagay na hindi nakadepende sa kuryente. Marami kang ma-eenjoy sa paligid, kelangan mo lang matuklasan.

Ikaw, ano ang ginagawa mo kapag brownout?

Related Posts

  1. To date or not to Date? Ano ang gagawin mo kapag buling buling ang araw ng mga puso?
  2. Pag si Krsito na ang Kasangga mo, Tiyak ang Panalo.
  3. Ang Walang Awa, Napapahiya
  4. Foodtrip: Ang Sisig sa Brgy. Talisay, Lipa City
  5. Reserved Seat

This post was written by:

Dyan Hernandez - who has written 310 posts on WOW Batangas.

Dyan Hernandez is a BS Education Major in English graduate of Lipa City Colleges and was Editor-in-Chief of The Vision Newsletter (LCC's student publication) for two years. Dyan finds herself in the world of multimedia and online publishing. Aside from writing, she is a bookworm, a beach bum, and a strawberry yogurt addict.

Contact the author

One Response to “Ang Batangueño Kapag Walang Kuryente”

  1. Mr. Sharingan says:

    Ako? I lie down, close my eyes, doze off and wake up after it’s brownout no more. ^_^

Trackbacks/Pingbacks


Leave a Reply

Tell us what you're thinking... and if you want a pic to show with your comment, go get a Gravatar!

WOWBatangas on Flickr


WOWBatangas Live Streaming Video

Sign-in using Facebook to chat. Hit refresh or F5 to start chatting.