Paano kung nagkaroon ng failure of election?
The Philippines is set to have its first ever automated election on May 10. What’s more exciting is the intense battle between the hopefuls vying for the country’s top government positions.
And so the PCOS machines were brought in and tested. Some machines failed to give accurate voting results. The people, especially the election candidates, were alarmed.
Will this highly promoted voting machines be trusted to reflect accurate results on May 10? Memory malfunction, they say. When this 2010 election fails, who are we going to blame?
Lagi namang ganyan. Natural na sa mga tao ang maghanap ng pagtatampulan ng sisi kapag may pumalpak. Bago ang lahat, Batanggenyo, handa ka na gang bumoto?
Unang tanong: Kumpleto na ga ang listahan ng mga kandidatong pinaniniwalaan mong gagawa ng maganda at matinong pagbabago?
Ikalawang tanong: Ano ang gagawin mo kung matapos mong paghirapan ang pagshe-shade ng bilog na hugis itlog ay iluwa lang at dedmahin ng PCOS ang iyong balota? Maghuhurumintado ka ga o tatahimik na lang?
Ikatlong tanong: Kapag nagkaroon ng failure of election, ano ang mas pipiliin mong solusyon? Eh meron ka nga kayang choice?
Ika-apat na tanong: Ano ang kulay mo ngayong eleksyon?
Ika-limang tanong: Alam mo na ga ang lahat ng dapat mong malaman tungkol sa automated election?
Batanggenyo, handa ka na gang bumoto? Game na?
Technorati Tags: philippine election 2010, automated election in the philippines, batangas election, pcos machine, election philipines, nationl elections 2010



Pingback: PCOS Machine CF Cards Now 100% OK | WOW Batangas