Home / Features / Events / One Mediatrix | One for the Ages – Grand Gala Anniversary Celebration

One Mediatrix | One for the Ages – Grand Gala Anniversary Celebration


Nagtapos ang isang buong linggong selebrasyon ng ika-60 taon ng pagkakatatag ng Mary Mediatrix Medical Center sa isang nagniningning na Grand Gala Anniversary Celebration na ginanap sa Rizal Ballroom, Makati Shangri-la Hotel noong ika-28 ng Hulyo.

Star-studded ang naturang selebrasyon. Ilan sa dumalo ay sina Congresswoman Vilma Santos, Mr. Piolo Pascual, Mr. Chino Trinidad, Mr. Raymond Lauchengco, Ms Menchu Lauchengco – Yulo at marami pang iba. Imbitado din ang mga doctors, stake holders at mga media heads ng iba’t ibang pahayagan at TV Networks.


Ilan sa highlights ng selebrasyon ay ang pagbabalik tanaw sa mga accomplishments nga hospital simula ng ito’y nagsimula at ang mga susunod pang improvements upang mas mapabuti ang kanilang serbisyong medical sa mga taga Southern Tagalog. Isa na dito ay ang itatayong (7) pitong palapag na parking building at ang Cancer Center upang hindi na lumayo ang ating mga kababayan para sa dekalidad na serbisyong medical. Matatandaan na kamakaylan lamang binuksan ang kanilang bagong Operating Room Complex na ngayon ay pinakikinabangan na ng ating mga kababayan. Ipinarinig at ipinakita rin ang  bagong MMMC Hymn.

Binigyan din ng parangal ang mga natatanging doktor at tauhan ng Hospital na nagkaroon ng malaking parte sa pagiging matagumpay ng hospital.

Ito ang listahan ng mga Awardees:

Lifetime Achievement Award
Homobono B Calleja, M.D.

Oustanding Achievement Award
Carolyn N Montano, M.D.
Michael Charles L. Tabora, M.D.
Fe Esperanza Caridad M. Leynes, M.D.
Raymund F. Diga, M.D.
Joselito C. Ramos, M.D.
Elenita D. Diga, M.D.
Ma. Melanie  R. Macaso, M.D.
Paulino O. Polintan JR., M.D.
Zezaldy P. Alcancia, M.D.
Gerardo M. Silva, M.D.
Maria Perpetua S. Domingo, M.D.
Darwin P. Vivas, M.D.

Award of Excellence
Anacleta P. Valdez, M.D.
Narcisa Sonia C. Comia, M.D.
Mary Warren E. Ilaga, M.D.
Benito P. Atienza, M.D.
Mary Ann Frances M. Panganiban
Richelle  J. Manalansan
Team Marquis
HIV Core Team
Information Technology Team
Human Resource Team

Distinguished Service Award
Agnes V. Lara, M.D.
Yolanda D. Africa, PhD.
Glenda B. Marquiño, M.D.
Romulo Rommel L. Rosita, M.D.
Jose Teodoro D. Villanueva, M.D.
Nathaniel E. Agoncillo, M.D.
Pantaleon R. Joson, M.D.
Roy R. Gonzales, M.D.
Susan R. Bautista, M.D.
Fernando L. Tabora, M.D.
Roselle Marie D. Azucena, RN, MAN, MBA
Rommel B Lojo, M.D.
Asis S. Encarnacion, JR, M.D.
Edgardo F. Faustino, M.D.

Kami sa WOWBatangas.com ay taos pusong bumabati sa Mary Mediatrix Medical Center ng Happy 60th Year Anniversary at nagpapasalamat sa kanilang dekalidad na serbisyong medical sa Timog Katagalugan!

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

FAITH opens MLBB tourney for students

Living up to its name as a leading institute of technology education in the province, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.