Home / Features / Diksyunaryong Batangueño / Nakalilitong Salitang Batangueño? | Huntawanan S2Ep3

Nakalilitong Salitang Batangueño? | Huntawanan S2Ep3

Buhos pa rin ang tawanan kahit na walang piho pa ring apaw ang ulan ngayong Agosto. Samahan kaming makisaya kasama ang mga estudyanteng karibok na sa dami ng isiping sasabayan pa namin ng mga salitang nakababaliw (o nakababaliw?).

At bilang Buwan ng Wika, tayo ay makiisa bilang mga Batangueño sa temang layunin ng bansa: Wikang Katutubo: Tungo sa isang Bansang Filipino.

Liban | Liban

Ang liban ay salitang pang-uri na tumutukoy sa isang tao na hindi sumipot sa araw ng trabaho o eskwela, samantala ang liban naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pagtawid sa kalsada.

Baliw | Baliw

Ang baliw ay salitang pangngalan o pang-uri na tumutukoy sa isang taong hindi maayos ang pag-iisip, samantala ang baliw naman ay pangngalan o pang-uring salitang-Batangueño na may kahulugang matapang o siga.

Limot | Limot

Ang limot ay salitang pandiwa na nangangahulugang hindi maalala, samantala ang limot naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pulot ng bagay mula sa lupa.

Hibi | Hibi

Ang hibi ay salitang pangngalan o pandiwa na tumutukoy sa simangot o pagsimangot ng mukha, samantala ang hibi naman ay pangngalang salita mula sa Batangas na may kahulugang maliliit na hipon.

Pula | Pula

Ang pula ay salitang pangngalan na tumutukoy sa isang matingkad na kulay, samantala ang pula naman ay pandiwang salitang-Batangueño na may kahulugang pagpintas.

Upak | Upak

Ang upak at upak ay parehong salitang-Batangueño, ang isa pangngalang tumutukoy sa balat ng mais, samantala ang upak naman ay pandiwa na may kahulugang pananakit gamit ang kamao.

Tawad | Tawad

Ang tawad ay salitang pandiwa na tumutukoy sa paghingi ng paumanhin, samantala ang tawad naman ay pangngalan o pandiwang salita mula sa Batangas na may tumutukoy sa bawas-presyo o diskwento.

Join our Official Group!

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Paligsahang street dance, tampok sa huling araw ng Lobo Anihan Festival 2019

Lubos pa rin ang saya sa huling araw ng Lobo Anihan Festival 2019 na pinagarbo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.