Home / Features / Events / Family Fun Day at Mary Mediatrix Medical Center

Family Fun Day at Mary Mediatrix Medical Center

Hindi napigilan ng malakas na ulan ang hangarin ng Mary Mediatrix Medical Center na mapasaya ang kanilang mga empleyado at mga miyembro ng pamilya nito sa taunang Family Fun Day na idinaos kahapon ika 22 ng Hulyo 2018 sa Cul De Sac.

Isang misa ang idinaos at pagkatapos nito’y sinimulan na ang maghapong pagbibigay saya sa mga dumalo. Tuwang tuwa ang mga bata at mga young at hearts sa mga inihandang libreng snacks, games, prizes, face painting, magic show at puppet show na inihanda ng iba’t ibang departamento ng MMMC.

Ito ay parte lamang ng isang linggong selebrasyon ng Mary Mediatrix Medical Center ng kanilang ika-60 Anibersaryo ng pagkakatatag na nasimula noong ika 17 ng Hulyo hanggang ika-28 ng Hulyo.

Isang patunay lamang ito ng pagiging isa at pagkakabuklod ng lahat ng bumubuo sa MMMC at sila’y nakatanaw pa at patuloy na magseserbisyo ng buong puso sa mga susunod pang mga taon.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

PAGKAKAISA – Diwa ng Parada ng Lechon 2019

Panuodin dine ang aming vlog ukol sa Parada ng Lechon 2019 Halos 60 taon na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.