Breaking News

Torn Between Two Lovers: Mr. Rude or Mr. Immature

How do you choose the one you want to be with? Masyado bang mataas ang standards mo o baka naman wala pa sa mga pinagpipilian mo ang talagang magpapasaya sa ‘yo?

Just like this week’s Kwentong Pag-Ibig anonymous sender.

Dear Miong and Julieta,

I’ve been dating two guys now. Tulungan nyo naman po akong mag-decide. Alam ko po na ang pinakamalapit sa puso ko ang dapat kong sundin pero I still don’t even know who is the one.

Si Guy no.1 po e madiskarte sa buhay at mayron syang clear visions and plans that I admire talaga, yun nga lang, iba ang kanyang attitude. The way he talks in front of people is different at taliwas ito sa maayos na upbringing sa akin ng aking mga magulang. Kung sya ang pipiliin ko, I won’t worry about my future because he is smart and very systematic, but, I don’t like the way he talks na laging may foul words and unnecessary comments.

Si Guy no. 2 naman po e almost the same sa lahat ng gusto at hobbies ko. Mayroon po syang mga gusto na gustong-gusto ko rin at ang common ground po nga namin ay music. Pero, ang problema lang po e immature syang mag-isip.

Tulungan nyo naman po akong mag-decide.

Anonymous

Dear babaeng walang pangalan,

Since love month naman, hayaan mong magpaka corny ako at maniwala na tunay nga ang soulmate.

Tinext sa akin ng aking girlfriend na nabasa daw niya sa isang libro ni Paulo Coelho na tunay daw ang reincarnations at ang soulmates.
In fact hindi ko pa nga binubura sa inbox ko kasi nagandahan ako at syempre text siya ng gelfren ko.

Heto ang mismong text:

“diba dw me incarnations, so ang bawat soul date e ngdidivide into 2. At kpg nahati un, nagi2ng weak ang force kya hnhnap nila ang srili nila, ang paghnap sa srili ang love. Dhl pg ngdvde ang soul, 1 male 1 female.”

(Syempre, kinilig naman ang lolo mo)

So that’s basically it. Choose the person who strengthens your character.

The Perfect Partner comes in many forms, me iba na sobrang kapareho mo akala mo magkadugtong ang pusod nyo. Me iba naman na exact opposite mo pero nafa-flatter nyo naman ang mga katangian ng isa’t isa.

Syempre hindi ka dapat madamot. Dapat ay nafaflatter mo din ang character ng iyong soon-to-be-boyfie.

And of course, you must see your future in him.

SA TUNAY NA BUHAY…

Ang mga manliligaw, parang thumbprint ‘yan — no two suitors are alike. One suitor is always better than the other. At syempre, ang iyong instinct ang makakapagdetermina kung sino ang MAS sa kanilang dalawa.

Pero sa pagkakabasa ko sa iyong pagkakadescribe sa kanilang dalawa e lagi na lang merong pula (not the color) ang aking suhestyon. Wag mo silang sagutin parehas.

Dahil naniniwala ako na, sa mata ng umiibig ay walang kapintasan. Gaano man kawaley ang isang tao, sa mata ng isang tunay na umiibig siya ay nagiging perpekto.

So yun, maghaba-habaan ka muna ng buhok at pundihin silang dalawa. Huwag mong ibibigay ang iyong puso sa taong hindi naman, ayon sa iyong paningin at pamantayan, perpekto.

Kung sakali ma’y nararamdaman kong lolokohin mo lang ang lalakeng pag-aalayan mo ng oras. Bakit? Dahil hindi siya, sa iyong pamantayan, perpekto. Hindi siya nararapat para sa iyo. At hindi ka rin nararapat para sa kaniya.

Pwera na lang kung flirt-flirt lang ang habol mo.

Tsaka…

Wala namang batas na pag dalawa ang nanligaw e sasagutin dapat ang isa diba?

Tsaka…

Achievement yon. Killing two birds with one answer. Hehe.
Wag kang mag-alala. Me darating din na perpekto sa iyong mga mata. At pag dumating ang panahong iyon, aba’y sunggabe na.

MIONG

Dear Miss Anonymous,

Okay. Ikaw na ang may mahabang hair Miss Anonymous.

Well, that’s one of the hardest things for a girl when it comes to love, choosy este choosing.

So maybe both guys are courting you. Look, if you really think that’s their true personality and you’ve known them for long, you should accept them for what and who they are.

If you had already given them the time to show what they feel for you, maybe it’s time for you to select. Whom to choose? Of course, the one who’s making you truly happy.

Look, there’s no perfect person that will totally give you a faultless relationship. You should accept that person as he is and I think you will, if you really love him.

Choose the one you love; the one who you think can make you happy.

P.S.

Sinabi mo lang ang mga qualifications na gusto at ayaw mo sa kanila, pero parang wala ka namang inexpress kung sino sa kanila ang mas nagpapasaya sa ‘yo. Meron ba?

Wishing you well,

JULIETA

Image source: augengallery.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.