Home / Features / Arts and Culture / Handmade Batangueños Christmas Gift Ideas

Handmade Batangueños Christmas Gift Ideas

Handmade by Batanguenos Christmas Gift Ideas Para sa mga katangi-tanging regalo ngayong kapaskuhan, kilalanin areng mga manu-manong gawa ng mga kapwa natin kabatang! Mga abot-kayang regalo, personalized pa!

1. laila.and.stitch embroidery
Ang Laila and Stitch Embroidery ang subok na at maasahang mananahi para sa mga customized labels at messages sa lahat ng klase ng tela. Para sa kahit anong okasyon, sisiw sa kanila ang pagpapaganda ng inyong linen fabric pillow case, pouches, drawstring, atbp! Sulit na sulit ang budget mo dahil sa kalidad ng kanyang mga produkto! Handa nilang malaman ang inyong partikular na pakay ipagawa, tawag na!
Contact number: 0925-588-6643 or (043) 740 3785
Instagram: laila.and.stitch

Price Range:
Linen fabric pillow case: Php 300-550/set
Pouch with any letter or number for embroidered name: Php 95
Pouch with name and design: Php 115- Php 125
Drawstring with personalized design: Php 65 – Php 75
Price may vary depending on the design and size of pouch or drawstring. With options on Color of thread, fabric material and zipper (subject for availability)

2. Customized Wardrobe

Kung mga kakaibang disenyo ng damit naman ang gusto mong ipa-sadya ay bisitahin ang BJDX designs sa facebook! Usisain din ang kanilang instagram account, bjedioux. Gamit ang de kalidad na acrylic paint at mga fabric medium, kaya niyang gawing katotohanan ang pantasya mong disenyo sa damit. Ang artist na si Jed ay tigre sa galing magdisenyo. I-kwento mo sa kanya ang trip mong disenyo:

Contact number: 0917-840-2144

Price Range:
Customized design from Php 1,500- Php 3,000
Can customized any item (Shirt, Jacket, Shoes, Bags, etc) , using acrylic paint and fabric medium.

3. Boho Inspired Accessories

Bumabaha ang mga pagpipilian mong anik-anik sa pananamit sa mga Boho-Inspired Accessories ng Purple Beetle Enterprise. Mahilig ka ba sa bracelets, keychains, earrings, headband at iba pa? Marami kang pagpipilian! Bisitahin lang ang facebook page na Purple Beetle Enterprise. Maaari din silang kontakin sa 0998- 593- 5091 or (043) 741- 8321

Price Range:
Bracelets: Php 40- Php200
Keychains: Php 80 – Php 130
Earrings: Php 60 – Php 150
Boho Headbands: Php 400 – Php 550

4. Zen’s Oven

Madami na ang sumubok at nasiyahan sa Zen’s Oven! Ipinagmamalaki ng Mataas na Kahoy ang mataas na kalidad ng sangkap at kagamitan ng ating paboritong online restaurant. Pwede kang umorder ng napakasarap at napakalambot na Baby Back Ribs at ng malinamnam na Brownies sa murang halaga! Hindi ka mapapahiyang ihain sa handaan o ipangregalo sa kaibigan!

I-dial mo na agad ang 0920-230-8112 o kaya ay puntahan ang fb page na Zen’s Oven para makita ang mga luto ni Zen. Mapapaorder ka sa sabik!

Price Range:
Brownies: Small Php 80, Medium Php 150, Large Php 300
Baby Back Ribs: Half Slab for Php 450- Whole Slab for Php 900

Ikaw ba ay may kakilalang Batangueno na pwede nating ibida? I-comment mo lang sa ibaba.

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Biyaya ng Diyos S2EP2 – Flores De Mayo

Noong mga nakaraang linggo ay kaliwa’t kanan ang mga Sta. Cruzan at Alayan sa iba’t …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.